July 31st, 2005 by pinxtar-anisah
* It’s been a long time since I last posted here. May Internet na rin kami sa wakas (after 10 million years) pero dami pa rin naming ginagawa sa school. Stress, stress, and more stress…
* Yipee! Lapit na birthday ko!
Sa August 6 na!!! *wink* Ang tanda ko na talaga (I’m turning 19). Anyway, buti na lang wala akong exam on my birthday. Nung freshie kasi ako, may Math 17 exam kami on my birthday (buti naka-97 ako) and last year, sa Socio 10 naman. Yun nga lang, may exams and papers kami the week before and after my birthday. Basta, I’m going to enjoy my exam-less birthday! Haha.
* I wanna watch Charlie and the Chocolate Factory. Mukha namang maganda siya. Stress-free naman siguro ang panonood nun.
* Dami kong gustong bilhin (like clothes and bags) pero for some reason, parang lagi akong nauubusan ng pera. Di ko na ma-track kung saan napupunta yung pera ko. Ang gastos kasing maging UP student (yehes!). Dami kasing readings na kailangang ipaxerox and gastos sa orgs then ang taas pa ng pamasahe. P6.50 na ang Ikot ngayon but I still ride the jeep pag galing akong FC to BA. Haha, tamad maglakad. Dagdag stress kasi. Hehe.
* Advanced happy birthday to my bestfriend Mere! Kayang-kaya mo ang med! Sana exam-less din ang birthday mo.
* Oh well. Have to stop writing now. More homework to do! Good luck na lang sakin.
Posted in Uncategorized | 2 Comments »
May 20th, 2005 by pinxtar-anisah
Haha. Tinatamad pa akong mag-blog. Wala akong mailagay. Hehe. can’t wait for AI’s finale.
Posted in Uncategorized | No Comments »
May 2nd, 2005 by pinxtar-anisah
Note: Sinulat ko ang entry na ito right after American Idol. Ngayon ko lang na-post kasi wala kaming Internet sa bahay. J
Shocking. Nakakagulat talaga ang pagka-eliminate ni Constantine sa American Idol. Bakit ba hindi matanggal-tanggal si Scott, e [para sa akin] hindi naman siya masyadong ma-appeal tsaka hindi naman ganung kaganda ang boses niya?! Well, hindi rin naman sobrang maganda ang boses ni Constantine pero super galing naman niyang performer. Malas siguro ang kantang How You Remind Me. In fairness, naiyak pa talaga si Paula Abdul para sa kanya. At kung tama ang aking pagkaka-alala, sinabi pa dati ni Simon na “astonishing” ang kanyang performance. Bet ko pa naman na nasa final three siya [with Bo and Carrie].
Eto pa, medyo ma-emosyon ang aking panonood ng AI. Habang hindi pa inaannounce ang na-eliminate, syempre wini-wish ko na sana matanggal na si Scott tsaka sana wag namang matanggal sina Carrie, Bo at Constantine. Nung dinivide sila into two groups at magka-grupo sina Anthony and Vonzell at Bo and Carrie, sabi ko sa sarili ko, “Sana kasama nina Anthony si Scott.” At nang pinapili ni Ryan sina Scott at Constantine kung kaninong grupo sila sasama, pareho silang tumabi kina Bo at Carrie. Syempre ako naman, “Ang kapal naman ni Scott! Feeling niya nasa top 3 siya.” Tapos bigla ba namang sinabi ni Ryan na mali ang desisyon ni Constantine at nasa bottom 3 siya. E di sobrang asar na asar ako. Napaisip tuloy ako kung sino ang matatanggal. Sabi ko, sana si Anthony na lang pero asa pa ako e ang dami niyang fans. E magaling naman sina Constantine at Vonzell [at marami rin silang fans] kaya tinigil ko na ang aking pag-iisip. Tutal, i-aannounce na rin naman ang results in a few minutes. J After the commercial break, clueless pa rin ako. At voila! Tanggal na raw si Constantine.
Buhay nga naman. Wish ko ngayon, sana final three sina Carrie, Bo at Vonzell. Ewan ko na lang talaga kung may matanggal pa sa kanila.
~*~*~*~*~*~*~*~*~
Joke na naman. This one’s from Chad, fellow JPIAn and ex-Networx EIC.
Nagtalo ang mga Hudyo at Intsik kung sino ang nauna sa mundo.
Hudyo: Kami, dahil kami ang nagpako kay Hesus sa krus!
Intsik: Aber, saan hardware kayo bili pako?
Posted in Uncategorized | No Comments »
April 27th, 2005 by pinxtar-anisah
Yehey! Sa wakas ay may blog na ako. Gusto ko na talagang magka-blog dati pa ngunit: 1) wala kaming Internet sa bahay kaya baka di ako makapag-update regularly; 2) marami akong ginagawa; at 3) wala pa akong maisip na layout. Kaya’t nang magkaroon ng blog sa Friendster ay gumawa na rin ako ng blog. May instant layout pa. [Yun nga lang, di ko type ang pagka-pink nito.] Next time ko na lang siguro gagawin ang “totoo” kong blog [At malamang masisilaw ka sa “pinkness” nun. Hehe.]
~*~*~*~*~*~*~
Ang init talaga ng panahon ngayon! Parang gusto kong maligo sa yelo. Ito ay isang dahilan kung bakit hindi ako nagsu-summer class. Bukod sa nakakatamad mag-aral, sasakit pa ang ulo ko dahil sa init. Isa pa, napaka-stressful ng aming subjects [esp. Accounting] kaya’t kailangan kong mag-recharge. [Hala, ano ako? Battery?] At least, nagagawa ko na ngayon ang mga bagay na hindi ko magawa dati dahil sa dami ng acads at orgs stuff. Kabilang dito ang magpunta sa mall [almost everyday], manood ng TV magdamag, magbasa ng mga librong nakatambak sa bahay, at siyempre, mag-Internet. Bumili pa ako ng Dell Pocket Crossword Puzzles sa Greenhills para ma-exercise naman ang aking brain. Hehe. Sinubukan ko ring mag-stretch araw-araw subalit tinamad na ako [as usual].
~*~*~*~*~*~*~
Got this joke from my friend MegY. Natawa talaga ako nung tinext niya sakin to. Hahaha. J
Bisaya 1: Gara ng kutsi! Siguro ki Miyur yan?!
Bisaya 2: Dili bay!
Bisaya 1: Ki Hipi?
Bisaya 2: Tunto ka man bay! Ki Father yan! Gisulat na nga sa likud oh! “SAFARI”!!
~*~*~*~*~*~*~
American Idol na mamaya! Sana lang talaga matanggal na si Scott!
Posted in Uncategorized | No Comments »